日本に住む外国籍家庭に赤ちゃんが生まれたときの大切な3つの手続き
Nagbibigay ng mga impormasyon / Nakikipagtulungan: Children’s Visa Support Team sa International Department ng Kanagawa Administrative Scrivener Association
情報提供・協力:神奈川県行政書士会国際部子どもビザさぽチーム
Isagawa lamang ang sumusunod na mga proseso kapag ang isang sanggol ay ipinanganak sa isang dayuhang pamilya.
① Kapag ang mga magulang ay parehong dayuhan → Isagawa ang prosesong A, B at C.
② Kapag ang isa sa mga magulang ay Hapon → Maaaring makakuha ng nasyonalidad ng Hapon ang sanggol. Kapag ang nasyonalidad ng Hapon lamang ang kukunin, isagawa ang prosesong A. Kapag kukunin ang dayuhang nasyonalidad kasama ang nasyonalidad ng Hapon, isagawa ang prosesong A at C.
外国籍の家庭に赤ちゃんが生まれたら、以下の手続きをしてください。
① 両親がともに外国籍の場合 → A、B、Cの手続きを行ってください。
② 両親のどちらかが日本国籍の場合→ 赤ちゃんは日本国籍を取ることができます。日本国籍のみを取る場合は、Aの手続きをします。そして、日本国籍と併せて外国籍も取る場合は、AとCの手続きを行ってください。
Anong mangyayari kung hindi iuulat ang kapanganakan sa tanggapan ng pamahalaan ng Japan?
日本の役所に出生届を出さないとどうなりますか?
Hindi makakapagparehistro bilang isang residente sa Japan.
Hindi makakakuha ng health insurance card.
Hindi makakapag-aplay upang makakuha ng visa (status of residence).
日本での住民登録ができません。
健康保険証を持つことができません。
日本の在留資格の申請ができません。
Anong mangyayari kung hindi mag-aaplay upang makakuha ng visa (status of residence)?
在留資格の申請をしないとどうなりますか?
Kapag mananatili sa Japan ng mahigit 60 araw na hindi nag-aaplay, magiging isang over-stay na ang katayuan.
Kung mananatili sa Japan ng 60 araw o higit pa, mag-aplay sa imigrasyon sa loob ng 30 araw mula ipinanganak.
申請しないで60日を超えて日本にいた場合はオーバーステイになります。
60日以上日本に滞在するのであれば、生まれてから30日以内に入管に申請してください。
Anong mangyayari kung hindi irerehistro sa sariling bansa?
本国への登録をしないとどうなりますか?
Hindi malalaman ng sariling bansa na mayroong sanggol.
Maaaring magkaroon din ng mga sagabal sa pamumuhay sa Japan.
(Halimbawa, kapag pumunta sa ibang bansa (tulad ng mga paglalakbay sa paaralan), nagpakasal, nagtrabaho, atbp., sa Japan ay karaniwang kailangan ang pasaporte, sertipiko ng kapanganakan o sertipiko ng nasyonalidad na isyu ng sariling bansa, kaya kailangang makuha ang mga dokumentong ito. Mag-ingat lamang dahil hindi makakakuha ng mga dokumentong tulad nito.)
本国が赤ちゃんの存在を把握していないことになります。
日本での生活にも支障が出ることがあります。
(例えば海外にいく (修学旅行など)、結婚をする、就職する、などのときに、日本では一般的に本国が発行する旅券や出生証明書、国籍証明書が求められますが、それらが取得できないことにつながるので注意が必要です。)
出生届(日本の役所への届け出)
病院にて………用紙をもらう
Kapag ipinanganak na ang sanggol, ibibigay ng ospital sa ina (o miyembro ng pamilya) ng sanggol ang papeles ng Ulat ng Kapanganakan.
Nasulatan na ng ospital ang Sertipiko ng Kapanganakan na nasa kanang bahagi ng papeles.
赤ちゃんが生まれたら、
病院は出生届の用紙を赤ちゃんの母(または家族)に渡します。
用紙の右側の出生証明書には病院の記載があります。
Kaliwang bahagi 左側
May bahagi na susulatan ng ama at ina ng sanggol.
Sulatan lamang ito sa sariling tahanan.
赤ちゃんの母と父が記載する箇所があります。
自宅で記入してください。
Kanang bahagi 右側
Nasulatan na ang [Sertipiko ng Kapanganakan] (Shusshou Shomeisho) ng ospital.
Hindi ito magiging sertipiko ng kapanganakan kapag hindi ipinasa at pinatanggap sa tanggapan ng pamahalaan ng Japan.
病院の「出生証明書」への記載があります。
役所に出して受理されないと出生の証明書にはなりません。
自宅にて………用紙を記入する
Mga bagay na dapat pag-ingatan sa pagsusulat
●Ang [Pangalan ng Anak] sa Ulat ng Kapanganakan ay isusulat sa letrang [katakana] kapag dayuhan.
Idagdag din ang pangalan sa letrang ginagamit sa sariling bansa (alpabeto).
Para sa mga taong ang nasyonalidad ay Intsik o Koreyano, maaaring iulat ang pangalan na gamit ang kanji. ※Kanji ng Japan lamang.
記入時の注意点
●出生届における「子どもの名」については、外国人の場合、「カタカナ」で記載します。
本国法上の文字(アルファベット)を付記しておきます。
中国・韓国の国籍の方であれば、漢字で届出することもできます。※日本の漢字のみ。
Mga bagay na dapat tiyakin bago ipasa
●May 2 uri ng sertipiko upang mapatunayan ang kapanganakan. Tiyakin kung alin ang kailangan sa lugar na papasahan.
①Sertipiko ng Pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan (Shusshoutodoke Juri Shomeisho) (Sertipikong nagpapatunay sa pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan)
②Sertipiko ng mga Bagay na Nakasulat sa Ulat ng Kapanganakan (Shusshoutodoke Kisai Jikou Shomeisho) (Sertipikong nagpapatunay sa mga bagay na nakasulat sa Ulat ng Kapanganakan)
Batay din sa lugar na papasahan kung kinakailangan ang sertipikasyon o pagsasalin ay. Tiyakin din ito.
提出前の確認事項
●出生を証明する公的な証明書は2種類あります。提出先によって、どちらが必要か、チェックしておきましょう。
①出生届受理証明書(出生届が受理されたことを証明するもの)
②出生届記載事項証明書(出生届に書いてある内容を証明するもの)
認証や翻訳が必要かどうかも、提出先によって変わります。チェックしておきましょう。
役所にて………提出する
Pumunta sa munisipyo ng tinitirahang lugar※ sa loob ng 14 na araw mula ng ipinanganak ang sanggol.
❶Ipasa sa [kaunter ng Ulat ng Kapanganakan] ang Ulat ng Kapanganakan
(Isagawa rin ang paglakad ng mga proseso maliban sa Ulat ng Kapanganakan tulad ng allowance ng mga bata at national health insurance sa kinauukulang kaunter.)
※Maaari ring ipasa sa munisipyo ng lugar na ipinanganak ang sanggol o sa lugar na pansamantalang tinutuluyan. (Kapag ang ama o ina ay Hapon, maaari ring ipasa sa munisipyo ng lugar na nakarehistro ang permanenteng tirahan.)
赤ちゃんが生まれて14日以内に住んでいる市区町村の役所に行きます。
❶「出生届の窓口」に出生届を提出します。
(児童手当や国民健康保険など、出生届以外の手続きも必要な窓口で行う)
※赤ちゃんの生まれた場所、一時的に滞在している場所の市区町村の役所にも、出すことができます。(父母のどちらかが日本人の場合は本籍地も可)
Papeles ng Ulat ng Kapanganakan (ang tapos nang sulatan)
出生届の用紙(記載済みのもの)
Libreta ng Kalusugan ng Ina at Anak
母子健康手帳
Pasaporte ng ama at ina
父と母のパスポート
Residence Card ng magpapasang tao
届出人の在留カード
Iba pa, mga bagay na hinihiling ng kinauukulang munisipyo
その他、役所によって求められるもの
❷Kapag napasa na ang Ulat ng Kapanganakan
Magpa-isyu ng [Sertipiko ng Pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan] para sa pagproseso sa imigrasyon.
Kumuha ng [Sertipiko ng Pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan] o [Sertipiko ng mga Bagay na Nakasulat sa Ulat ng Kapanganakan] para ipasa sa embahada.
(Tiyakin sa embahada o konsulado ng bawat bansa kung aling dokumento ang kailangan.)
❷出生届を提出したら
入管手続き用に「出生届受理証明書」を発行してもらう。
大使館提出用に「出生届受理証明書」または「出生届記載事項証明書」を取る。
(どちらの書類が必要かは、各国大使館・領事館に確認する。)
❸Kumuha ng [Resident Certificate] na nakasulat ang lahat ng miyembro ng pamilya (kasama ang sanggol) para ipasa sa imigrasyon.
❸入管提出用に世帯全員が記載された「住民票」(赤ちゃんを含めたもの)を取る。
在留資格(入管(出入国在留管理局)への申請)
自宅にて………確認する
Tiyakin kung ano ang magiging visa (status of residence) ng bata.
Magbabago ang visa (status of residence) ng bata batay sa visa (status of residence) ng mga magulang.
Tiyakin lamang sa sariling tahanan bago pumunta sa imigrasyon.
子どもの在留資格はどのようなものになるか確認します。
親の在留資格で子どもの在留資格が変わります。
入管へ行く前に自宅で確認してください。
Visa (status of residence) ng ama o ina 父母のいずれかの在留資格 |
Visa (status of residence) ng bata 子どもの在留資格 |
Mga bagay na dapat pag-ingatan 注意点 |
||
---|---|---|---|---|
Diplomatiko 外交 Opisyal 公用 |
Diplomatiko 外交 Opisyal 公用 |
Mag-aplay sa embahada o konsulado. 大使館・領事館に申請します。 |
||
Propesor 教授 Sining 芸術 Panrelihiyong Aktibidad 宗教 Mamahayag 報道 Dalubhasang Propesyonal 高度専門職 Tagapamahala ng Negosyo 経営・管理 Serbisyong Legal o Accounting 法律・会計業務 Serbisyong Medikal 医療 Mananaliksik 研究 Guro 教育 Inhinyero / Espesyalista sa Humanities / Serbisyong Pang-internasyonal 技術・人文知識・国際業務 Intra-company Transferee 企業内転勤 Pag-aalaga 介護 Entertainer 興行 Skilled labor 技能 Nakatalagang Dalubhasang Manggagawa (2) 特定技能2号 Pangkulturang Aktibidad 文化活動 Mag-aaral 留学 |
Dependyente 家族滞在 | |||
Nakatalagang Dalubhasang Manggagawa (1) 特定技能1号 Intern sa Teknikal na Pagsasanay 技能実習 Pansamantalang Pananatili 短期滞在 Nagsasanay 研修 Dependyente 家族滞在 Itinalagang Aktibidad 特定活動 |
Karaniwan, walang tinutugunan. Mag-konsulta lamang. 原則、当てはまるものはありません。 ご相談ください |
Ang mapapag-konsultahan Mga dalubhasa tulad ng administrative scrivener 相談先 行政書士等専門家 |
||
Permanenteng Residente 永住者 | Asawa o Anak ng Permanenteng Residente 永住者の配偶者等(永住者の子ども) |
※May kaso ng maaaring makapag-aplay bilang isang permanenteng residente. ※永住者の申請も できる場合があります。 |
||
Asawa o Anak ng Permanenteng Residente 永住者の配偶者等(永住者の子ども) Asawa o Anak ng Hapon 日本人の配偶者等(日本人の子ども) Pangmatagalang Residente 定住者 |
Pangmatagalang Residente 定住者 | |||
Espesyal na Permanenteng Residente 特別永住者 | Espesyal na Permanenteng Residente 特別永住者 | Mag-aplay sa City Hall o munisipyo. 市役所・区役所に申請します。 |
※Kung hindi tinutugunan ang alin man sa nakasulat sa itaas, kumonsulta lamang sa mga dalubhasa tulad ng administrative scrivener.
※上記に該当しない場合は行政書士等専門家にご相談ください。
入管にて………申請する
Mag-aplay ng Pahintulot Upang Makakuha ng Visa (Status of Residence).
Sa loob ng 30 araw, ihanda ang mga sumusunod na dokumento at mag-aplay sa imigrasyon.
Ang bayad sa imigrasyon ay libre sa pagkuha ng visa (status of residence) ng bata.
Ang pamamaraan ng pagproseso ay maaaring magbago. Ituring lamang ito na impormasyong masasangunian sa oras ng pagkumpirmi.
在留資格取得許可を申請します。
出生から30日以内に、下記書類をそろえて入管に申請します。
入管への手数料は子の在留資格取得の場合は無料です。
手続きは変更される可能性があります。確認時点での情報として参考にしてください。
Ang marking ito ay makukuha sa munisipyo ng tinitirahang lugar.
このマークは日本の住んでいる役所で取得する。
①Application form ng Pahintulot Upang Makakuha ng Visa (Status of Residence)
※Hindi kailangan ang litrato.
①在留資格取得許可申請書
※写真は、いりません。
③Sertipiko ng Pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan (Orihinal)
③出生届受理証明書(原本)
④[Resident Certificate ng buong pamilya] na kasama ang bata (Orihinal)
※Ang na-isyu sa loob ng 3 buwan
※Huwag ipalagay ang My Number, at hilingin na isama ang mga bagay tungkol sa dayuhang residente.
(Kung siya ay katamtaman hanggang pangmatagalang residente, ang nasyonalidad, ang visa (status of residence), ang ibinigay na panahon ng pananatili, ang petsa na mawawalan ng bisa ang panahon ng pananatili, numero ng Residence Card)
④子どもを含めた「世帯全員の住民票」(原本)
※3か月以内に発行したもの
※マイナンバーについては省略し、外国人住民特有の事項も入れてもらう。
(中長期在留者であること、国籍、在留資格、在留期間、在留期間の満了日、在留カードの番号)
⑤Pasaporte ng bata ※1 o kaya (gawing sanggunian) ang [Dokumento na Dahilan ng Hindi Pagkuha ng Pasaporte] ※2
※1 Kumuha sa embahada o konsulado ng sariling bansa
※2 Kung nilalakad na, isama ang papeles ng pagtanggap ng aplikasyon.
⑤子どものパスポート※1または(参考)「旅券未取得理由書」※2
※1 本国の大使館・領事館で取得
※2 パスポート申請中の場合は、受付票を添付
⑥Resident Tax Certificate, Resident Tax Payment Certificate ng taong sumusuporta sa bata. (2 uring dokumento, orihinal)
(Mga dokumentong nakasulat ang kabuuang kita at katayuan sa pagbabayad ng buwis para sa isang taon)
※Kailangan ang 2 uri ng dokumento, ang Tax Certificate at Tax Payment Certificate,
※Ang na-isyu sa loob ng 3 buwan
<Sa kaso na ang taong sumusuporta ay [Mag-aaral]>
·Kopya ng savings bank book, iba pa, mga dokumentong nakakapagpatunay na ang mga gastusin sa pamumuhay ng aplikante ay kayang bayaran.
⑥子どもを扶養する人の住民税の課税証明書、住民税の納税証明書(2種類、原本)
(1年間の総所得及び納税状況が記載されたもの)
※課税証明書と納税証明書、2種類必要です。
※3か月以内に発行したもの
<扶養する人が「留学」の場合>
・銀行の預金通帳のコピーなど、家族の生活するお金があることがわかるものがいります。
⑦Dokumentong nagpapatunay sa trabaho ng taong sumusuporta sa bata
<Mga taong namamasukan>
·Sertipiko ng Trabaho (Ang na-isyu sa loob ng 3 buwan)
<Mga taong nasasagawa ng negosyo>
·Sertipikadong kopya ng rehistro ng kompanya
·Kopya ng business permit
·Kopya ng tax return
<Sa kaso na ang taong sumusuporta ay [Mag-aaral]>
·Sertipiko na Naka-enroll (Ang na-isyu sa loob ng 3 buwan)
※Hindi kailangan kung ang visa (status of residence) ng bata ay [Asawa o Anak ng Hapon] o di kaya [Asawa o Anak ng Permanenteng Residente], ngunit kailangan kapag nag-aaplay para makakuha ng [Permanenteng Residente].
⑦子どもを扶養する人の職業を証明する書類
<雇用されている方>
・在職証明書(3か月以内に発行されたもの)
<事業を経営している方>
・会社の登記簿謄本
・営業許可書のコピー
・確定申告書のコピー
<扶養する人が「留学」の場合>
・在学証明書(3か月以内に発行されたもの)
※子どもが「日本人の配偶者等」または「永住者の配偶者等」の在留資格の場合には、いりません。ただし、「永住者」の取得申請をする場合には、必要です。
⑧Personal Reference Guarantee
Ipapasa lamang kung ang visa (status of residence) ng ama o ina ay「Permanenteng Residente」, [Asawa o Anak ng Hapon], [Asawa o Anak ng Permanenteng Residente], o [Pangmatagalang Residente].
⑧身元保証書
父または母が「永住者」「日本人の配偶者等」「永住者の配偶者等」または「定住者」の在留資格の場合にのみ、提出します。
⑨Residence Card at pasaporte ng taong sumusuporta sa bata (Ipapakita sa pag-aplay)
⑨子どもを扶養する人の在留カードおよびパスポート(申請のときに提示)
Petsa na nakumpira: Agosto 25, 2022
確認日:2022年8月25日
(東京出入国在留管理局横浜支局)
本国への登録(大使館・領事館)
大使館/領事館にて………登録する
Ang pagrehistro ng sanggol sa sariling bansa ay naiiba sa bawat embahada kaya kailangang tiyakin.
Tingnan lamang ang pahina ng Ministry of Foreign Affairs sa ibaba para sa listahan ng mga dayuhang diplomatikong tanggapan ng bawat bansa sa Japan.
本国への赤ちゃんの登録は、それぞれの大使館により異なるため確認が必要です。
各国の駐日外国公館リストは以下の外務省のページからご確認ください。
Ang mga impormasyong masasanggunian para sa mga pamamaraan sa bawat bansa ay nakalagay sa ibaba.
Ang pamamaraan ng pagproseso ay maaaring magbago kaya ituring lamang ito na impormasyong masasangunian sa oras ng pagkumpirmi.
Kung walang naaangkop sa sumusunod o para sa pinakabagong impormasyon, magtanong lamang sa embahada ng bawat bansa o sa Administrative Scrivener Association, atbp.
各国の手続きの参考情報を以下に載せています。
手続きは変更される可能性がありますので確認時点での情報として参考にしてください。
以下に該当がない場合や最新情報は、各国大使館、または行政書士会等へお問い合わせください。
Republika ng Tsina
中華人民共和国
Timog Korea
大韓民国
Biyetnam
ベトナム
Pilipinas
フィリピン
Brasil
ブラジル
Nepal
ネパール
Peru
ペルー
Indiya
インド
Amerika
アメリカ
Taiwan
台湾
Thailand
タイ
Indonesiya
インドネシア
Sri Lanka
スリランカ
※Nakalagay ang mga impormasyon ng mga bansang may 3,000 o higit pang mamamayan ang naninirahan sa Prefecture ng Kanagawa.
※神奈川県に外国籍県民が3000人以上居住する国の情報を掲載しています。
相談先
Q: Saan maaaring kumonsulta o humiling na ipagawa ang tatlong mahahalagang proseso ng sanggol?
Q:赤ちゃんの大切な3つの手続きについて、だれかに相談したり、頼むことはできますか?
A: Maaaring kumonsulta o humiling na ipagawa sa mga dalubhasa.
Ang administrative scrivener ay makokolekta ang mga dokumentong kailangan ipasa sa munisipyo, imigrasyon at embahada, susulatan ang mga dokumento at pupunta upang mag-aplay sa inyong halip. Sumusuporta din sila sa pagsasalin at pagpapatunay.
A: 専門家に相談し、頼むことができます。
行政書士は、市役所、入管、大使館にだす書類をあつめたり、書類をかいたり、代わりに申請に行きます。翻訳・認証もサポートします。
神奈川県行政書士会 外国人無料電話相談
Sa International Department ng Kanagawa Administrative Scrivener Association, may libreng teleponong konsultasyon sa 5 wika. (30 minuto sa unang beses)
※Pagkatapos nito, may bayad na kung hihiling na isagawa ang trabaho.
神奈川県行政書士会国際部には5か国の無料電話相談があります。(初回30分)
※その後、お仕事を頼むときは、お金がかかります。
【Araw na tumatanggap】
Lunes: Wikang Hapon
Miyerkoles: Wikang Hapon at Ingles
Biyernes: Wikang Hapon at Tsino
※Tuwing ika-4 na Biyernes, maaari ring humiling ng wikang Espanyol at Portuges
※Maliban sa umpisa at katausan ng taon, at mga pista opisyal
【Oras na tumatanggap】 13:30~16:30
【Oras ng konsulta】 1 beses ay sa loob ng 30 minuto
【Bayad sa konsultasyon】 Libre
【Tinutugunbang wika】 Wikang Hapon, Ingles, Tsina, Espanyol, at Portuges na 5 wika
【Matatawagan】
Telepono: 045-227-5560
【受付曜日】
月曜日:日本語
水曜日:日本語・英語
金曜日:日本語・中国語
※第4金曜日のみ、スペイン語・ポルトガル語対応も含む
※年末年始・祝日を除く
【受付時刻】13:30~16:30
【相談時間】一回30分以内
【相談料】無料
【対応言語】日本語・英語・中国語・スペイン語・ポルトガル語の5か国語
【お問合せ】
電話 : 045-227-5560
その他 相談先
Gabay sa Iba’t-ibang Wika sa Kanagawa
多言語支援センターかながわ
https://kifjp.org/kmlc/tag/