外国人住民の方はこちら

Mga Bagyo at Matinding Pag-ulan
台風・大雨

Alamin ang mga impormasyon tungkol sa mga sakuna at kalamidad bilang paghahanda para sa mga bagyo at matinding pag-ulan. Importante ring alamin habang maaga ang mga binabahang lugar, mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng landslide, at mga evacuation area na malapit sa tirahan, paaralan, o pinagtatrabahuhan.
台風や大雨に備えて、災害に関する情報を入手しましょう。
自宅や学校、勤務先などのまわりの水害や土砂災害が起こりやすい場所や避難場所を確認しておきましょう。

Mga kapanahunang kailangan ng lalong pag-iingat
注意が必要な季節

Hunyo – Hulyo
6~7月
Madalas ang pagbagsak ng ulan. Maaaring magkaroon ng landslide sa pagtindi ng pag-ulan.
梅雨の期間は雨がよく降り、大雨になると土砂災害が起きやすい。
Hulyo – Oktubre
7~10月
Lumalakas ang ulan at hangin kapag papalapit na o kapag dumating na ang bagyo.
台風が接近・上陸すると雨や風が強まる。
Agosto – Oktubre
8~10月
Madalas ang pag-ulan at maaaring magkaroon ng matinding pag-ulan sa iba’t ibang lugar.
雨が多く、局地的に大雨が降ることがある。

Mga Bagyo at Matinding Pag-ulan
大雨と台風

Matinding pag-ulan
大雨

Biglang nagbabago ang panahon at limitado ang pagbagsak ng matinding ulan sa isang maliit na lugar. Maaari ring magbaha sa mga kalsada. Kailangan ding mag-ingat sa kidlat.
急に天気が変わって、狭い範囲で激しい雨が降る。道に水があふれることもある。雷にも気をつける。

Bagyo
台風

Matindi ang paghangin at pag-ulan tuwing may bagyo. Ang malalakas na hangin ay maaaring magdulot ng paglipad ng mga bagay at pagbagsak ng mga puno at poste. Sa ganitong pagkakataon ay huwag lumabas at manatili sa loob ng isang ligtas na lugar.
台風が上陸すると暴風や大雨となる。強風で物が飛んできたり、木や電柱が倒れることもある。外に出ずに安全な屋内で過ごす。

Mag-ingat tuwing may bagyo o matinding pag-ulan
台風・大雨のときに気をつけること

  • ●Alamin ang pinakabagong balita tungkol sa panahon.
    最新の気象情報を確認する。
  • ●Huwag pumunta sa mga delikadong lugar tulad ng mga baybayin, ilog, bangin, o sapa.
    海岸や川、崖や沢など、危険な場所には近づかない。
  • ●Mag-ingat sa mga baha at pagguho ng lupa.
    浸水、がけ崩れなどに気をつける。
  • ●Tiyakin ang mga ligtas na ruta bago lumikas. Mag-ingat upang hindi mahulog sa manhole o kanal.
    安全なルートを確認して避難する。マンホールや水路に落ちないよう注意する。
  • ●Umuwi ng maaga upang hindi datnan ng pagtigil ng mga tren at bus.
    電車やバスが止まることがあるので、早めに帰宅する。
  • ●Maghanda ng mga pang-ilaw, pagkain, at inumin dahil maaaring mawalan ng kuryente at tubig.
    電気や水道が止まることがあるので、ヘッドライトや食料を用意しておく。

Pag-alam ng antas ng panganib
危険の程度を知る

Antas ng Alerto 警戒レベル
Impormasyon ng Panahon 気象情報
Impormasyon ng Paglikas
避難情報
Pagkilos ng mga residente
住民の行動
5 Mangyayaring kalamidad / Malamang na dumating
災害発生・切迫
Emerhensiyang pagtiyak sa kaligtasan
緊急安全確保
Mapanganib sa buhay! Kaagad na tiyakin ang kaligtasan
命の危険!直ちに安全確保
Sa antas na alerto 4 ay kinakailangan na ang lumikas
警戒レベル4までに必ず避難
4 Mataas ang pangamba na may kalamidad
災害のおそれ高い
Utos na lumikas
避難指示
Lumikas ang lahat mula sa mapanganib na lugar
危険な場所から全員避難
3 Mayroong pangamba na may kalamidad
災害のおそれあり
Lumikas ang mga matatanda at iba pa
高齢者等避難
Lumikas ang mga matatanda at iba pa mula sa mapanganib na lugar
危険な場所から高齢者等は避難
2 Lumalala ang kondisyon ng panahon
気象状況悪化
Malakas na ulan / Baha / Babala sa pagtaas ng alon dahil sa daluyong ng bagyo
大雨・洪水・高潮注意報
Ikumpirma ang sariling pagkilos sa paglikas
自らの避難行動を確認
1 May pangambang lumala ang kondisyon ng panahon
気象状況悪化の恐れ
Maaga pang babalang impormasyon
早期注意情報
Pagpapabuti ng kahandaan para sa mga kalamidad
災害への心構えを高める

Punto
ポイント

  • ●Huwag ng maghintay na i-anunsyo pa ang antas na alerto 5. Nasa mapanganib sa buhay na sitwasyon kung hindi makakalikas ng ligtas.
    警戒レベル5の発令を待ってはいけません。安全な避難ができず、命が危険な状況です。
  • ●Kapag may “Utos na Lumikas” sa antas na alerto 4 ay lumikas ang lahat mula sa mapanganib na lugar!
    警戒レベル4の「避難指示」で危険な場所から全員避難しましょう!

i-tsek natin!
チェックしよう!

  • ●Impormasyon sa Iba’t-Ibang Wika sa Oras ng Kalamidad “Paano ang Paglikas”
    災害時多言語情報「避難のしかた」
  • ●Nakapaghanda na para sa isang kalamidad
    災害への備えは大丈夫
  • ●Handy Note Para sa Kalamidad
    災害のときの便利ノート
    https://www.kifjp.org/shuppan/multi

Ipinakikilala ang mga apps na kapaki-pakinabang sa oras ng kalamidad.
災害時に役立つアプリを紹介します。

  • Website ng Japan Meteorological Agency-impormasyon ukol sa mga kalamidad
    気象庁災害情報WEBサイト
    website

  • Safety Tips Impormasyon sa mga kalamidad
    Safety Tips 災害情報
    IOS
    Android 

  • NHK WORLD-JAPAN
    IOS
    Android