Magsisimula na ang Klase sa Wikang Hapon “Panimulang Pag-aaral ng Wikang Hapon sa Silid-Aralan ng Hiratsuka”
Silid-aralan para sa mga taong hindi masyadong nakakaintindi ng Wikang Hapon na nakatira sa loob ng Prepektura ng Kanagawa.
Pag-aaralan ang mga salita at pagpapahayag na magagamit agad. Tuturuan ka ng kwalipikadong guro sa paraang madaling maintindihan.
■Araw / Oras
Martes at Biyernes 10:00 a.m.–12:00 p.m.
■Level 1
Mga taong magsisimula pa lamang mag-aral ng wikang Hapon
Ika-16 ng Hulyo hanggang ika-27 ng Setyembre, 2024
■Level 2
Mga taong marunong nang magbasa ng Hiragana / Katakana
Ika-15 ng Oktubre hanggang ika-20 ng Disyembre, 2024
■Lugar
★May (5 beses) na araw na mag-aaral sa Hiratsuka Shimin Katsudo Center at may (15 beses) na araw na mag-aaral online
(1) Hiratsuka Shimin Katsudo Center(Address:Hiratsuka -shi, Mitsukecho 1-8)
8-minutong lakad mula sa West Exit ng JR Hiratsuka Station
Access https://www.hiratsuka-shimin.net/access/
(2) Online
(gagamit ng ZOOM)
Maaaring sumali sa pamamagitan ng smartphone o kompyuter mula sa bahay o kaya opisina.
■Bayad
Libre (¥0)
■Aklat-aralin
Irodori Seikatsu No Nihonggo Nyumon
https://www.irodori.jpf.go.jp/
■Bilang ng mag-aaral sa klase
20 katao (1 klase)
- Mga kailangang tandaan … mangyaring tiyakin na basahin.
- 1. Kapag marami ang nag-apply, idadaan sa lottery ang pagpili ng makakapasok.
2. Hangga’t maaari, mangyaring daluhan ang lahat ng araw.
Maaaring mapagtanungan
■Telepono
Iba’t-ibang wika 045-316-2770 Gabay sa Iba’t-ibang Wika
Lunes ~ Biyernes 9:00~12:00, 13:00~17:15 (Sarado tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal)
Naiiba ang tinutugunang wika batay sa araw.
Para sa mga detalye, tignan lamang dito → https://www.kifjp.org/kmlc
Wikang Hapon 045-620-0011 KIF Namamahala sa mga Gawaing ugnay sa Wikang Hapon
■E-MAIL
■Magsasagawa (inayos ng Kanagawa Prefecture)
Kanagawa International Foundation (KIF)