Nihongo Class
Magsisimula ang klase sa Wikang Hapon “Panimulang Pag-aaral ng Wikang Hapon, Online na Silid-aralan”
Silid-aralan para sa mga taong hindi masyadong nakakaintindi ng Wikang Hapon na mga nakatira sa loob ng Prepektura ng Kanagawa.
Pag-aaralan ang mga salita at pagpapahayag na magagamit agad. Tuturuan ka ng kwalipikadong guro sa paraang madaling maintindihan.
■Araw / Oras
Miyerkules / Biyernes 10:00 a.m.–12:00 p.m.
■Summer Course
Ika-26 ng Hunyo hanggang Ika-6 ng Setyembre 2024
Walang pasok sa ika-14 at ika-16 ng Agosto
■Winter Course
Ika-4 ng Disyembre 2024 hanggang ika-21 ng Pebrero 2025
Walang pasok sa ika-25 at ika-27 ng Disyembre, ika-1 at ika-3 ng Enero
*Pareho ang pag-aaralan sa Summer Course at Winter Course.
Manyaring pumili ng isang kurso at mag-apply.
■Antas
Klase para sa mga taong marunong nang magbasa ng hiragana / katakana.
■Lugar
Online
*Gagamit ng ZOOM
■Bayad
Libre (¥0)
■Aklat-aralin
Irodori Seikatsu No Nihonggo Nyumon/Shokyu
(Para sa mga nagsisimula pa lamang mag-aral ng wikang Hapon sa pang-araw-araw na pamumuhay)
https://www.irodori.jpf.go.jp/
■Bilang ng mag-aaral sa klase
20 katao (1 klase)
- Mga kailangang tandaan … mangyaring tiyakin na basahin.
- 1. Kapag marami ang nag-apply, idadaan sa lottery ang pagpili ng makakapasok.
2. Hangga’t maaari, mangyaring daluhan ang lahat ng araw.
Maaaring mapagtanungan
■Telepono
Iba’t-ibang wika 045-316-2770 Gabay sa Iba’t-ibang Wika
Lunes ~ Biyernes 9:00~12:00, 13:00~17:15 (Sarado tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal)
Naiiba ang tinutugunang wika batay sa araw.
Para sa mga detalye, tignan lamang dito → https://www.kifjp.org/kmlc
Wikang Hapon 045-620-0011 KIF Namamahala sa mga Gawaing ugnay sa Wikang Hapon
■E-MAIL
■Magsasagawa (inayos ng Kanagawa Prefecture)
Kanagawa International Foundation (KIF)