• 外国人住民のための子育てチャート

    Tsart ng Pangangalaga ng bata

  • 母子手帳ってなあに?

    Ano ang BOSHI TECHO (Talaan ng Kalusugan ng Ina at Sanggol)?

  • 母子訪問について

    Ang Pagdalaw sa Tahanan ng Sanggol


  • Sa Japan maaaring manganak sa ospital na may obstetrisyan. Magpareserba na sa maagang panahon ng pagbubuntis. Maaring humingi ng impormasyon sa Munisipyo tungkol sa mga ospital na pwedeng Panganakan.

    日本では「産科」のある病院などで分娩します。妊娠初期に早めの予約をしてください。
    出産する病院は役所で情報提供/相談できます。


  • Magpasa ng “Pabatid ng Pagbubuntis” (NINSHIN TODOKE) sa Munisipyo ng tinitirahan, humingi ng “Talaan ng Kalusugan ng Ina at Sanggol”(BOSHI TECHO). Itinatala sa libretang ito ang mga detalye ukol sa kalusugan ng ina at sanggol at paglaki ng bata. Ingatan itong mabuti. May ipapamahagi rin na Pregnancy Health Check-up voucher (suporta para sa pagpapasuri sa doctor ng buntis )
    ※Ang Boshi Techo ay may nakasalin sa ibat-ibang wika.

    役所で「妊娠届」を提出し、「母子健康手帳」を受け取ります。この手帳は母と子の健康と成長の記録です。大切に保管しましょう。妊婦健診補助券(健診費用を補ってくれるチケット)なども配付されます。
    ※母子健康手帳は外国語版もあります。


  • Ang magagastos sa panganganak sa Japan ay aabot ng mga ¥500,000. Kung kayo ay may Health Insurance maaring mababayaran ang bahagi nito sa pamamagitan ng pagtanggap ng Birth Allowance(¥500,000*). Kinakailangan makipag-ugnayan sa Ospital na panganganakan bago manganak. 
    *mula taon 2023 ng abril kasalukuyan.

    日本で出産するには平均50万円かかります。健康保険に入っている場合は「出産一時金」(50万円※)で支払の一部がカバーされます。事前に病院の窓口で手続きしてください。
    ※2023年4月現在


  • Sa Parenting Class, kayo ay tuturuan sa panganganak, pangangalaga ng bata, at ginaganap ito sa Ospital o Munisipyo.

    「母親学級」では出産・育児について学ぶ講座が病院や役所で行われます。


  • Sa Japan, pagkasilang ng bata, mananatili sa ospital ng mga 5 araw. Siguraduhin at ihanda nang maaga ang mga kailangang dalhin sa pag-admit sa ospital. Habang maaga pa, magplano kung papaano magpunta sa ospital sa panahon ng panganganak.
    Susuriin ang sanggol na ipinanganak habang nasa ospital para sa anumang abnormalidad. (Kinakailangan ang aplikasyon para sa hearing test.)

    日本では病院に約5日入院します。入院に必要なものは事前に確認し、産気づいた際の病院までの行き方を調べておきましょう。
    入院中に生まれた赤ちゃんに異常がないか検査を行います。(聴力検査は事前申込が必要です。)


  • Pagkasilang ng bata, kinakailangang i-sumite ang form ng Rehistro ng Kapanganakan sa loob ng 14 araw sa Munisipyo.

    赤ちゃんが生まれたら14日以内に役所に「出生届」を提出します。


    Mula sanggol ay makatatanggap ng “Sertipiko ng Tulong sa Gastusin sa Pagpapagamot” (SHOUNI-IRYOU-SHOU), at dahil dito makatatanggap ng libreng serbisyo sa pagpapagamot. Naiiba sa bawat munisipalidad ang limitasyon sa edad ng bata at sa kita(income)ng mga magulang. Mangyaring magtanong lamang sa munisipyo para sa detalye.

    Health Insurance ng Sanggol
    Maari rin isabay ang pagkuha ng Health Insurance Card ng Sanggol kung kayo ay miyembro sa National Health Insurance(KOKUMIN KENKO HOKEN).(Sa miyembro ng Social Health Insurance(SHAKAI HOKEN), mag-apply sa inyong kompanya bago sumapit ang one-month check-up ng sanggol)

    0歳からの子どもは「小児医療証」が発行され、無料診療を受けられます。ただし市区町村によって上限年齢や助成対象の所得制限が違います。かならず役所で確認してください。

    赤ちゃんの健康保険
    国民健康保険の場合は、同時に赤ちゃんの保険証も申請します。
    (社会保険の場合は一か月検診までに勤務先で手続き)


    Ang Sustento para sa Bata [JIDOU-TEATE] ay ipagkakaloob sa magulang na nakatira sa Japan, hanggang matapos ang kanilang anak sa Junior High School.(May limitasyon ayon sa kita.)Kinakailangang magsumite taon-taon ng “Pagbigay-alam ng Kasalukuyang Kalagayan” (GENKYOU TODOKE)para makapagpatuloy pa ring tanggapin itong sustento sa susunod na taon.

    「児童手当」は日本国内に住む中学生までの子どもの保護者に支給されます(所得制限等あり)。


    Ang“Notipikasyon ng Kapanganakan”(SHUSSEI RENRAKUHYOU) ay para maipa-alam sa munisipyo ang kalagayan ng tahanan ng bagong silang na sanggol. Ito ay kalimitan nakalakip sa “Talaan ng Kalusugan ng Ina at Sanggol”. Huwag kalimutang ipasa ito.
    Kailangan sa proseso sa Imigrasyon ang Proof of Birth Registration (SHUSSEI TODOKE JURISHO) at Residence Certificate (JUMINHYOU) na nakalahad na dito ang pangalan ng sanggol.
    Mangyaring kumuha ng mga ito sa munisipyo.

    「出生連絡票」は新生児(赤ちゃん)訪問の家庭を把握するために使われます。用紙は母子手帳と一緒に配布される場合が多いです。忘れずに提出してください。
    入管の手続きに「出生届受理証明書」と赤ちゃんを含めた「住民票」が必要になりますので、役所で取得してください。


  • ●Hilingin ang bisa ng sanggol sa Imigrasyon sa loob ng 30 araw mula sa araw ng kapanganakan
    ●Kumuha ng nasyonalidad ng sanggol sa Embahada/Konsulado.

    ●入国管理局で生後30日以内に赤ちゃんの在留許可を申請します。
    ●各国大使館(領事館)で赤ちゃんの国籍を取得します。


  • Magpasuri sa ospital na pinanganakan ukol sa kalagayan ng paglaki at kalusugan ng bata, at paggaling ng ina pagkatapos manganak.

    出産した病院で赤ちゃんの発育や健康、お母さんの回復状態を確認します。


  • Sa loob ng apat(4) na buwan, mula pagkapanganak ng sanggol, dadalaw sa inyong tahanan ang public health nurse ng munisipalidad. Ito ay para timbangin ang bata at masuri ang kalusugan at kondisyon ng paglaki ng sanggol, at maari ring humingi ng payo ukol sa kalusugan o alalahanin ng ina.

    生後4ヶ月以内に役所の保健師等が家を訪問します。
    赤ちゃんの体重や発育状況を確認するほか、お母さんの体調や困っていることなどを聞きます。


  • Sa ika-2 buwan ng sanggol ay mag uumpisa ang pagbakuna. Pabakunahan ang sanggol sa nakatakdang panahon gamit ang pinadalang voucher na galing sa Munisipyo. Maghanap ng family doctor na malapit sa inyo, at siguraduhin din kung saan ang emergency clinic na puedeng magpatingin kahit sa gabi o sa holidays.

    生後2か月ごろから予防接種を受け始めます。市区町村から配布される補助券を利用し、決められたスケジュールで打ちましょう。
    近所のかかりつけ医を決め、夜間・休日診療所なども確認しておきましょう。


  • Ipapadala ng Munisipyo sa pamamagitan ng koreo ang detalye ng“Pagsusuri ng Kalusugan ng Sanggol”(NYUYOUJI KENSHIN). Magpasuri dapat ayon sa nakasulat.
    ● 4 months check-up
    ● 8〜10 months Check-up(May lugar na hindi ito isinasagawa)
    ● 1 Year and 6months old Check-up
    ● 3 years old Check-up(o 3years and 6months Check-up)

    役所から「乳幼児健診」の案内がされますので、必ず受診してください。役所で受ける場合と病院で受ける場合がありますので確認してください。
    ● 4か月児健診
    ● 8~10か月児健診(市区町村によって行われない場合もあり)
    ● 1歳6か月児健診
    ● 3歳児健診(または3歳6か月児健診)


  • Ito ay isang lugar para sa mga magulang at ng kanilang anak na hindi pa pumapasok sa paaralan, na kung saan pwedeng makisalamuha sa kapwa magulang at humingi ng payo sa kanilang staff.

    就学前の子どもと保護者同士が交流したり、子育て相談ができます。


  • Sa magulang na nais maghanapbuhay pagkapanganak, maaring magpa-alaga sa day-care (HOIKUEN) ang kanilang anak. Para sa mga autorisadong day-care sumangguni nang maaga sa Munisipyo. Depende sa kita ang bayarin sa paggamit nito.

    出産後に保護者が仕事をする場合などに「保育園」に子どもを預けます。認可保育園の場合、役所で申請します。早めに相談しましょう。
    利用料は所得によって変わります。


    Kung ang bata ay hindi pumapasok sa day-care/nursery (HOIKUEN), mula Abril pagkatapos sumapit ng 3 taon gulang ang bata, hanggang pumasok sa mababang paaralan, maaring pumasok sa kindergarten (YOUCHIEN). Matututo silang makisama sa lipunan o pamumuhay sa komunidad sa Japan . Mayroon din mga awtorisadong kindergarten(KODOMOEN)na may day-care o nursery depende sa mga munisipalidad. Mangyaring makipag-ugnay sa Munisipyo.

    保育園に通っておらず、3歳になった子供は4月以降から小学校入学前まで「幼稚園」に通うことができます。
    小学校に入る前に日本社会や集団生活に馴染むことができます。
    幼稚園で保育をする認定こども園も自治体によってはあります。役所で確認してください。


  • matatanggap na papel na tinatawag na “Impormasyon sa Pagpasok” (SHUUGAKU ANNAI) sa pampublikong paaralan. Dalhin ito sa Lupon ng Edukasyon (Board of Education) o Munisipyo upang magpa-rehistro. 
    May mga orientasyon at check-up ng kalusugan bago magpasukan, at mangyaring siguraduhing dumalo sa mga ito.
    Kung ang anak ay may nasyonalidad na Hapon, di na kinakailangan ang nakasaad sa itaas. Ipapadala sa inyo ang School Attendance Notice(SHUUGAKU TSUUCHI).

    外国籍の子どもがいる家庭には小学校入学の前年秋ごろに公立小学校の「就学案内」が送られてきます。教育委員会・役所などへ入学申請をしてください。
    日本国籍の場合は上記の手続きは不要です。小学校の「就学通知」送られてきます。
    入学前の健康診断や説明会には、必ず出席してください。


Page
Top