Impormasyon sa Pagtiyak ng kaligtasan sa panahon ng likas na sakuna(災害発生時の安否確認についての情報です)
Sa panahon ng malalaking sakuna, alam ba ng pamilya, kaibigan, ka-trabaho mo kung paano alamin ang kaligtasan ng bawat isa? Isa-isahin natin ang ilang praktikal na hakbang na puwede nating gawin.
大きな災害がおきたとき、安否を確認する方法を家族、友だち、職場で決めていますか?いくつかの方法を紹介します。
●Case 1(ケース1):
Kapag hindi makakonekta sa cellphone, ngunit magagamit ang pampublikong telepono.
携帯電話の回線はつかえないが、公衆電話がつかえるとき。
○Ang pwede mong gawin(あなたができること):
Gamitin ang pampublikong telepono sa pagtawag sa 171 (NTT Disaster Message Dial)
公衆電話から171(NTT災害用伝言ダイヤル)にかける。
Kinakailangan isaalang-alang<必要な条件>
Batid ang numero ng telepono ng taong nais alamin ang kaligtasan.
安否を確認したい人の電話番号がわかる。
Nag-iwan ng mensahe ang taong nais mabatid ang kaligtasan sa 171.
安否を確認したい人が171にメッセージを録音している。
●Case 2(ケース2):
Kapag hindi makakonekta sa cellphone、ngunit magagamit ang Free Wi-fi.
携帯電話の回線はつかえないが、無料wifiが使えるようになったとき。
○Ang pwede mong gawin 1(あなたができること1):
Padalhan ng e-mail ang taong nais alamin ang kaligtasan.
安否を確認したい人にメールを送る。
○Ang pwede mong gawin 2(あなたができること2):
Puntahan ang Facebook o Twitter ng taong nais alamin ang kaligtasan.
安否を確認したい人のFacebookやtwitterを見る。
○Ang pwede mong gawin 3(あなたができること3):
Tawagan sa pamamagitan ng calling app. tulad ng (FaceTime, Viber, KakaoTalk, LINE, Skype…) ang taong nais alamin ang kaligtasan.
安否を確認したい人に電話アプリ(FaceTime、Viber、カカオトーク、LINE、Skypeなど)で電話をしてみる。
○Ang pwede mong gawin 4(あなたができること4):
Gamitin ang internet at i-access ang website ng Disaster Message Board (web171)
(ang web171 ay kaugnay sa NTT Disaster Message Dial 171)
https://www.web171.jp
インターネットで災害用伝言板(web171)にアクセスする。
(web171はNTT災害用伝言ダイヤル171と連動しています)
Kinakailangan isaalang-alang<必要な条件>
Nag iwan ng mensahe ang taong nais alamin ang kaligtasan sa NTT Disaster Message Dial o sa web 171.
あなたが安否を確認したい人がNTT災害用伝言ダイヤル171またはweb171にメッセージを残している。
○Ang pwede mong gawin 5(あなたができること5):
Gamitin ang Google Person Finder upang alamin ang kaligtasan ng kaibigan at upang mag-iwan ng mensahe tungkol sa sariling kaligtasan….
(Kasalukuyang nasa test mode ang serbisyong ito. Habang gumagana ang test mode, mabubura ang nakatala pagkalipas ang mahigit 24 oras. Pwedeng piliin ang wika .)
https://www.google.org/personfinder/japan?lang=fil
インターネットで友人の安否確認と自分の安否情報の提供をするためGoogleパーソンファインダーにアクセスする。
(現在、体験版としてサービス提供されています。体験版では、24 時間以上が経過した記録は削除されます。操作画面をいろいろな言葉に変えられます)